PARA SA SIMBAHANG NAG-ANYAYA NG PAGSASANAY SA mVEP (mobile Vocational Educational Program)
a program of ETCP-Luzon, Incahil sa dulot ng Pandemic, kailangang sundin ang mga alituntunin ng Goverment.
Upang maisakatuparan ito, hinihiling namin sa mga nag-aanyayang simbahan na gawin ang mga sumusunod:
Isagawa ang ipinatutupad na Social Distancing.
Palagiang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga dadalo.
Pagsusuri ng temperatura at pag monitor ng indibidwal gamit ang Trace Card.
Pagbibigay ng alcohol upang magamit sa panahon ng pagsasanay.
Paglimita sa mga nais lumahok sa pagsasanay alinsunod sa patakaran ng antas ng Quarantine Status. (hindi hihigit sa bilang na 8 katao)
Paglaan ng isang palikurang pasilidad para sa mga magsasanay ayon sa hinihinging hakbang ng lokal na pamahalaan.
Pagkuha ng impormasyon tungkol sa mga magsasanay.
Pagdisinfect ng lugar at pagaayos ng lugar sa susunod na araw.
Mga alituntunin sa mga magsasanay:
Pagdala ng sariling inumin personal
Pag Log-in at Log-out sa tuwing pagpasok, habang tanghalian, at pag-uwi.
Hindi pinahihintulutan ang pagkain sa loob ng Lugar-pagsasanay.
Sa oras ng pananghalian ay maaring umuwi muna o sa labas kumain.
ENROLMENT:
Isasagawa isang linggo bago mag umpisa ang programa.
Ang nag-aanyayang simbahan ang pipili o magsasala ng mga kwalipikadong kalahok dahil kilala ang mga tao sa lugar na iyon at alam ang pangangailangan nila.
Ang mVEP ang magbibigay ng pagsasanay at mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa pagsasanay sa kursong ito.